Tarsier Touch
Info

81430

Tarsier Touch

Jord Earving Gadingan

Isang laró/saliksik ng ebolusyon
ng mga chart ng HEKASI to FYP

Tarsier Touch

Bata pa lang ang ekosistema ng Pinoy Internet bilang paraan ng pag-alam ng sariling ekolohiya. Ginamit ang salitang pag-alam bukod pa sa pagkatuto [learning platform] dahil madalas sa minsan sa Internet na ang first touch na may ganito palang ekosistem/kultura/species sa ganitong bahagi ng Pilipinas. Tapos, hihingian ka na agad ng reaksyon/opinyon/simpatya dahil kailangan nang ipagtanggol ng mga ekosistem/kultura/species na kakakilala mo pa lamang. May mga kapangyarihan nang kailangang tindigan; may api. Intense. Noong 90s, siyam lang na mga tanawin ang maaring malaman sa mga educational posters sa Sibika; walang tao, walang hayop, walang isyu, enumeration lang talaga ng tanawin. Ngayon, mas piging na ng data tungkol/mula mismo sa mga ekosistem. Ang 'Tarsier Touch' ay isang pagtatangka sa pagkapa sa daloy ng pag-alam ng sariling ekolohiya sa Pinoy Internet. Nilimitahan ang pagpansin sa mga pumutok na data mula COVID-19 pandemic (2020) hanggang kasalukuyan (2024) kung kailan mistulang mas nagkasensibilidad tayo sa sambat ng mga krisis sa kalikasan, klima at samutsaring-buhay.

Jord Earving Gadingan

Tarsier Touch

Bata pa lang ang ekosistema ng Pinoy Internet bilang paraan ng pag-alam ng sariling ekolohiya..

Jord Earving Gadingan